Roque sa impormasyong maaari na umanong arestuhin si ex-president Duterte

Dinepensahan ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque ang nauna niyang isiniwalat na impormasyong maaaring arestuhin anumang oras si dating pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng imbestigasyon ng International Criminal Court #ICC sa war on drugs.

"Tingnan n'yo kung ano ang reaction ng taumbayan. Galit po sila sa mere possibility na maaresto ang dating presidente... Huwag n'yo pong gawin 'yan, puputok tayo na parang Pinatubo. That will trigger chaos, 'pag inaresto n'yo ang dating presidente," paalala pa ni Roque.

'Yan ay matapos linawin ni Justice Sec. Boying Remulla na hindi nagkaroon ng direct o indirect communication ang ICC sa Department of Justice #DOJ.

Tinawag ding "fake news" ni dating chief presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo na may umano'y arrest warrant na laban kay Duterte. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everyw...
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
? https://www.news5.com.ph
Posted by QUO NEQ in News & Politics on February 07 2024 at 02:36 AM  ·  Public
Comments (0)
No login
gif
Login or register to post your comment
Cookies on kaklase.
This site uses cookies to store your information on your computer.