Evacuees binaha rin sa Davao del Norte | Patrol ng Pilipino

MAYNILA – Itinuturing ng ilang taga-Carmen, Davao del Norte na pinakamatindi ang bahang patuloy pa ring nararanasan sa lugar hanggang nitong Sabado.

Kahit pinasok na ng baha ang evacuation center ng bayan, pinili pa rin ng ilang lumikas doon na manatili.

Lumipat naman ang iba sa municipal hall.

Lubog pa rin sa baha ang national highway sa lugar, kaya patuloy na stranded ang maraming bumibiyahe patungo sana ng hilaga gaya ng Davao Oriental, Davao de Oro, at Caraga region.

Bukod sa Carmen, may baha pa rin sa mga bayan ng Braulio E. Dujali, New Corella, Kapalong, Asuncion, at Tagum City, ayon sa PDRRMO.

Sa buong lalawigan, nasa 110,000 pamilya na ang apektado ng pagbahang dulot ng trough ng low pressure area.

– Ulat ni Hernel Tocmo, Patrol ng Pilipino
Posted by QUO NEQ in News & Politics on February 04 2024 at 03:26 AM  ·  Public
Comments (0)
No login
gif
Login or register to post your comment
Cookies on kaklase.
This site uses cookies to store your information on your computer.